Celebrity Life

WATCH: Iya Villania nag-aalangan ba sa kaniyang third pregnancy?

By Felix Ilaya

Kamakailan lang nang ini-reveal ni Iya Villania at Drew Arellano na ipinagbubuntis ng una ang kanilang baby number three!

WATCH: Iya Villania and Drew Arellano are expecting baby no. 3

Sa Kapuso Showbiz Interview nina Iya at Drew, ibinahagi ng 'Chika Minute' host na kahit pangatlong pregnancy niya na ito, nakakaramdam pa rin siya ng kaba.

Aniya, "Nakakapraning pa rin siya. Every pregnancy is different.

"Siguro out of the three, dito na nga ako mas may naramdaman, e.

"Every pregnancy is nakakapraning pa rin kasi siyempre nasa loob siya, e, wala namang siyang bintana, 'di mo naman siya nakikita."

Samantala, matatandaan na sa isang episode ng Mars Pa More, pinag-usapan nina Iya at Camille ang kanilang "parenting styles" at biniro ni Iya na isa raw siyang "pabayang ina."

Agree kaya si Drew sa statement ni Iya?

"It works for their development. Just the right amount.

“Before parang ano ako, e, 'Wag ganyan!' But Iya's the one to tell me na, 'You got to let them be. If they get hurt, they'll learn from them eventually," sagot ni Drew.

Dagdag pa ni Iya na alam niya rin daw kung ano ang kaya at hindi kaya ng mga anak niyang sina Primo at Leon.

"Since ako 'yung madalas nilang kasama since ako 'yung parating nasa bahay, mas alam ko kung ano 'yung kakayananan nila."

Panoorin ang nakakatuwang kuwentuhan with Iya and Drew sa kanilang Kapuso Showbiz News video below: