Celebrity Life

WATCH: Zia Dantes's cute bonding with baby brother Ziggy

By Cara Emmeline Garcia

Overloaded sa sweetness at tiyak na mapapa-good vibes kayo, mga Kapuso!

Dahil sa isang Instagram Story ni Mommy Marian Rivera, kitang-kita ang pagka-cute nina Ate Zia at ang kapatid nitong si Baby Ziggy.

Sa video, makikita na nasa playpen ang magkapatid at inaaliw ni Ate Zia ang kanyang nakababatang kapatid.

Tuwang-tuwa naman si Baby Ziggy sa mga kalokohan ng kanyang ate.

Ani Marian, “Love you both. #grateful”

IN PHOTOS: 15 traits that make Zia Dantes a good ate

Marami-rami na ring litrato at videos ang naibahagi ng Kapuso Primetime Queen sa social media na nagpapakita ng bonding moments nina Ziggy at Zia.

Maaalala na noong nakaraang taon, si Zia ang pinaka-excited na makilala ang kanyang kapatid at siya pa mismo ang nag-reveal ng pangalan nito sa press.

Ipinanganak si Jose Sixto “Ziggy” Dantes IV noong April 16, 2019.

LOOK: Ate Zia meets younger brother Ziggy

LOOK: Dingdong Dantes and Marian Rivera's Christmas portrait with Zia and Ziggy