Celebrity Life

Jasmine Curtis-Smith, sinorpresa ang kanyang daddy sa kaarawan nito

By Marah Ruiz

Sinorpresa ni Kapuso actress at Descendants of the Sun Philippines star Jasmine Curtis-Smith ang kanyang daddy na si James Curtis Smith na nagdiwang ng kanyang ika-77 kaarawan kahapon, February 26.

Si Jasmine na lang daw kasi ang hinihintay ng kanilang ama na bumati sa kanya. Ang hindi nito alam, balak pala ni Jasmine na bisitahin siya.

"This afternoon, our lolo of a Dad was waiting on one last child to greet him happy birthday... little did he know I was on my way to surprise him," sulat niya sa kanyang Instagram account, kasama ng isang picture nilang mag-ama.

Hindi naman daw minasama ng kanyang Daddy James ang late niyang pagbati dahil naiintindihan nito ang trabaho niya.

Sa magubat na lugar kasi ang taping ng ilang eksena ng DOTS Ph kaya alam nitong walang cellphone signal ang kanyang anak habang nagtatrabaho.

"Kala niya I was without signal on location so he was giving me the benefit of the doubt pa daw! Well, dad, because of that: 77 is the new 30! Cheeeeeeeers," bahagi ni Jasmine.


Samantala, idinaan naman sa Instagram ng kapatid ni Jasmine na si Anne ang kanyang pagbati sa kanilang ama.

Kasalukuyang nasa Australia si Anne para doon ipanganak ang first baby nila ng asawang si Erwan Heussaff.

"Happy 77th birthday to our gentle giant I can't wait for you to meet the mini version of ME father dearest ️ Love you Dad," sulat niya kasama ang isang throwback picture nila ng kanyang tatay.


Sa Pilipinas naka base ang kanilang ama na si James, habang nasa Australia naman ang kanilang Mommy Carmen.