Celebrity Life

Andi Eigenmann, confident that Ellie is safe with her dad Jake Ejercito in Manila

By Jansen Ramos

Kasalukuyang naka-base si Andi Eigenmann sa Siargao kasama ang kanyang surfer common-law partner na si Philmar Alipayo at kanilang anak na si Lilo.

Dahil sa domestic travel ban papasok at palabas ng Metro Manila sanhi ng paglaganap ng coronavirus disease 2019, hindi nakauwi ang panganay ni Andi na si Ellie sa isla kaya naman hindi niya ito naiwasang ma-miss.

Gayunpaman, tiwala siyang ligtas ang kanyang anak na kasalukuyang nasa Maynila kasama ang ama nito na si Jake Ejercito, ayon sa Instagram post ng aktres.

Kalakip ng kanyang larawan kasama sina Philmar at Lilo, sulat ni Andi sa caption, "There is definitely nothing more than this provincial life.

"Staying positive is the way to go in times like this, but I can't help but miss Ellie sooo much!

"I know for sure she is safe with her dad, but I am craving for the day I get to pick her up and come back to the island with her again."

Ani pa ni Andi, araw-araw silang nagbi-video call ni Ellie para maibsan ang kanyang kalungkutan.

"Things are just not the same without Ellie here.

"Her positive spirit and our daily video calling has been keeping me going, soon, I can hold her in my arms again."

Minabuti nina Andi at Jake na maging civil para kay Ellie matapos ang kanilang co-parenting settlement.