Celebrity Life

Bianca Gonzalez, ginupitan ng buhok ang kanyang asawa't anak

By Aaron Brennt Eusebio

Dahil hindi sila makalabas ng bahay dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon, ang aktres na si Bianca Gonzalez na ang gumupit sa buhok ng kanyang asawa, ang basketball player na si JC Intal, at anak nilang si Lucia.

Ayon kay Bianca, mukha namang masaya sina JC at Lucia sa kanyang gupit.

“DAY 17 & 18. Umabot na po tayo sa ganito. Masaya naman ang mga customer ko,” sulat ni Bianca sa caption ng kanyang Instagram post.

Approved naman kay celebrity hairstylist na si Alex Carbonell ang gupit ni Bianca.

Komento niya, “Very Much!!!!”


Iwas-bagot challenges, nagsulputan online