
Nangungulila at nag-aalala si Ruby Rodriguez ngayong hindi niya kapiling ang kanyang anak na si Toni Aquino na kasalukuyang nagtatrabaho sa Amerika.
Ani Ruby, “I miss you so much @ninichips, your nagging, bratiness with a flair of sweetness and thoughtfulness... love you so much.”
Nagpadala rin ng mensahe ang kanyang mister na si Mark Aquino para sa kanilang anak.
Wika ni Mark, “We miss you so much anak, ingat dyan… love you very much.”
Mark Aquino, asawa ni Ruby Rodriguez, may mensahe para sa anak na nasa US
Inihayag naman ni Toni na sana'y kasama niya ngayong panahon ng COVID-19 crisis ang kanyang pamilya.
Tugon niya, “I miss you so much mom! Inggit ako na you all are quarantined together. God knows how much I miss you all. I love you so so so much.”
Toni Aquino, nais sanang kapiling si Ruby Rodriguez at kanilang pamilya ngayong may COVID-19 crisis
Sa naunang panayam ni Ruby sa GMANetwork.com, nabanggit ng Eat Bulaga dabarkad na balak sana niyang bisitahin ang kanyang anak sa US ngunit naudlot ito dahil sa banta ng COVID-19.
Nagluluksa rin ngayon si Ruby dahil sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Dr. Sally Gatchalian dahil sa kinatatakutang sakit.
IN PHOTOS: Inside EB Dabarkad Ruby Rodriguez's home
EXCLUSIVE: Ruby Rodriguez, may love advice para kina Maine Mendoza at Pauleen Luna