GMA Logo ruby rodriguez remembers sister dr sally gatchalian
What's Hot

Ruby Rodriguez remembers Dr. Sally Gatchalian in KMJS tribute to fallen COVID-19 heroes

By Bianca Geli
Published April 20, 2020 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

ruby rodriguez remembers sister dr sally gatchalian


Binalikan ni Ruby Rodriguez sa KMJS ang mga alaala nila ng kapatid niyang si Dr. Sally Gatchalian, na yumao dahil sa COVID-19.

Dr. Dennis Ramon Tudtud, Dr. Helen Tudtud, Dr. Nicko Bautista, Dr. Marcelo Jaochico, and Dr. Sally Gatchalian ilan lamang sila sa mga fallen heroes dahil sa COVID-19.

HEROES: The fallen doctors who fought against COVID-19

Sa April 19 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, naglahad ng masasayang alaala ang kani-kanilang mga kaanak kapiling ang mga yumaong doktor.

Isa na rito ang Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez, na naging emosyunal nang balikan niya ang mga huling alaala kasama ang kanyang kapatid na si Dr. Sally Gatchalian, isa sa mga doktor na yumao dahil sa COVID-19.

Si Dr. Gatchalian ang naging President of the Philippine Pediatric Society at Assistant Director of the Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ngunit para kay Eat Bulaga host Ruby Rodriguez, si Dr. Sally ay ang kanyang mapagmahal na kapatid.

"Nung earlier on kasi, I felt so bad I just couldn't say anything at that time," kuwento ni Ruby sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ruby Rodriguez's sister Dr. Sally Gatchalian dies from COVID-19

Aniya, nakatulong daw ang patuloy na pakikipagusap niya sa mga kamaganak para maibsan ang sakit ng pagkamatay ng kapatid.

Isa rin sa mga nakiramay ang kaniyang co-host na si Pauline Luna-Sotto.

"I consider Pauline as my family, she texts me, and then asks how I am.

Ruby Rodriguez, mister, at anak, PUI sa COVID-19

Kuwento ni Ruby, madalas siyang kunin ng nakatatanda niyang kapatid para maging host ng mga medical events.

"What she really didn't know is the reason I've been doing it is just to brag to everyone that she's my sister.

"I'd tease her, call her on stage, she'd get really mad, kukurutin ako sa stage," naluluhang inaalala ni Ruby.

Malapit daw sila ng kaniyang ate, at madalas magkasama sa mga family bonding.

Tuwing sila'y magkasama, magkapatid lamang daw ang turingan nila sa isa't isa, "Walang titles, she's Manang Sally, I'm Ruby."

"I'm really very proud of her and I love her so much," saad ni Ruby.

Samantala, isang inspirasyon naman ang turing ni Dr. Nikki Bautista sa nakababatang kapatid niyang si Dr. Nicko Bautista, na naputol ang serbisyo bilang doktor dahil sa di inaasahang pangyayari.

Nasawi si Dr. Nicko sa malagim na trahedya, kung saan nag-crash ang sinakyan nilang evacuation plane para sa isang medical emergency sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong March 29.

Ayon kay Dr. Nikki, si Dr. Nicko raw ang nagalaga sa kaniya noong siya'y nagkasakit ng COVID-19.

"Siya kasi 'yung nag-swero sa'kin, siya ang nagbibigay ng gamot ko.

"Nagdu-duty pa rin siya sa hospital even though binabantayan niya ko sa house.

Ibinahagi ni Dr. Nikki ang mapait na alala kung paano niya nalaman ang pagkamatay ng kapatid sa social media.

"Sa social media ko lang nabalitaan. 'Yung pain nung day na 'yun sobra kasi wala akong magawa sa kapatid ko eh.

"Dapat ako 'yung nandoon eh. Dapat ako 'yung nag-aasikaso sa kanya," saad niya.

Sa ngayon ay nagpapalakas pa rin si Dr. Nikki para paghandaan ang pagpapatuloy ng naudlot na serbisyo ng kapatid.

Dagdag ni Dr. Nikki, "I hope he's at peace kasi he had to pass away doing what he really loves.

Sa kabilang banda, nito lang nakaraang taon, ipinagdiwang ng mag-asawang Dr. Ramon at Dr. Helen Tudtud ang kanilang 35th wedding anniversary.

Kuwento ng kanilang anak na si Dennis Thomas Tudtud II, "They like to serve people. My mom, she works in a government hospital."

Halos sabay na nagkasakit ang mag-asawa, at kahit sa huling sandali, pagmamalasakit ang inaalala ng dalawa.

Panoorin ang mga storya ng fallen COVID-19 heroes sa KMJS: