Celebrity Life

Baby Tali Sotto, nag-camping sa loob ng bahay

By Cherry Sun

Dahil hindi makalabas gawa ng enhanced community quarantine, sa loob muna nag-camping ang anak nina Pauleen Luna at Vic Sotto na si Tali.

Isang pambatang teepee tent ang itinayo sa loob ng bahay nina Vic at Pauleen. Dito ay nag-set-up ng higaan si baby Tali kung saan komportable siyang nanonood at nagrerelaks.

Komento ni Pauleen, “Someone's camping in. Feel na feel.”

Tali Sotto relaxing inside her tent

Sa isa pang video na ibinahagi ng dabarkad, kung saan makikitang sumali na rin si Vic at nakitulog sa loob ng tent ni baby Tali.

Vic Sotto and baby Tali inside a tent

Ang panahon ng enhanced community quarantine ang naging oras nina Pauleen at Vic para makipag-bonding sa kanilang anak.

WATCH: Tali Sotto's adorable birthday message for dad Vic Sotto

Baby Tali joins Pauleen Luna in TikTok video