
Sa dami ng payo na nataggap ni Kapuso actress Janine Gutierrez mula sa kanyang mommy na si Lotlot de Leon, may dalawa raw siyang tunay na hindi malilimutan.
Isa na raw dito ang pagiging maingat sa pagbibitaw ng salita.
"When I was growing up, she would always say think before you speak. Kasi kapag nasabi mo na, it's hard to take something back," pahayag niya sa isang eklusibong panayam sa GMANetwork.com.
Bukod dito, binigyan din siya ni Lotlot ng mahalagang professional advice nang magsimula siyang mag-artista.
"Noong nagtatrabaho naman ako, 'yung biggest advice niya was to love your job. If you love your job, you're respectful of the people you work with, you're respectful of the opportunities you have, doon babalik 'yung mga gusto mo ding ma-achieve," pahayag ni Janine.
Ngayong parating na ang Mother's Day, hindi muna makakasama ni Janine ang kanyang mommy Lotlot dahil nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine and ilang bahagi ng bansa.
Gayunpaman, masaya daw siya na "one call away" lang parati ang kanyang ina at pamilya.