Celebrity Life

Yasmien Kurdi, tinutukan ang mental health ng anak na si Ayesha Zara habang may ECQ

By Aedrianne Acar

Hindi naging madali para sa seven-year-old daughter ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi na si Ayesaha Zara ang pinapa-iral na enhanced community quarantine (ECQ).

Natanong ang versatile actress ng entertainment press sa idinaos na video conference ng GMA Network Corporate Communications Department last week, kung paano nito ine-explain sa anak niya ang mga bagay-bagay tungkol sa COVID-19 at ECQ.

Kuwento ni Yas, "Kailangan ko talagang i-explain sa kanya at siguro bilang mom naging cautious din ako. Lagi akong nagre-remind sa kanya na to always wash her hands and huwag nga lumabas kasi nga sinasabi ko kailangan natin ng social distancing ngayon.

"And we have to stay at home. 'Yun na 'yung pinakamalaki nating contribution sa society, to stay at home."

'Hindi Ko Kayang Iwan Ka,' kinailangang i-replay sa bansang Ecuador dahil sa mataas na TV ratings

Bingyan-diin din ng StarStruck graduate na kailangan niya tutukan ang mental health ni Ayesha.

Malaki kasi ang naging epekto ng ECQ sa lifestyle ng kanyang unica hija.

Aniya, "Aside from that kailangan i-protect 'yung mental health niya, dahil doon sa drastic change na naapektuhan 'yung usual routine niya and lifestyle.

"Like, hindi na siya mag-visit sa friends niya or mag-play sa bahay nila or 'yung mga outdoor activities na hindi na puwede and going to school.

"I explained to her na ito na 'yung "new normal" set up ng society natin at kailangan ko ipaliwanag na temporary lang ito na someday magiging okay ang lahat."

Paano naman ang naging pagtangap ng bata sa mga nangyayari?

Tugon ni Yasmien, "In fairness sa mga bata ngayon mayrun silang mga chatroom, they always talk about the situation.

"They are very aware, nakakatuwa 'yung mga ngayon they're knowledgable about the situation," pagtatapos ng aktres.