Celebrity Life

Aki and Baby Summer handpick flowers for LJ Reyes and Paolo Contis

By Cara Emmeline Garcia

Nakalipas man na ang Mother's Day, patuloy pa rin ang pagiging sweet ng magkapatid na sina Aki at Baby Summer para sa kanilang ina na si LJ Reyes.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Kapuso actress ang litrato ng magkapatid na may hawak-hawak na bulaklak.

Kuwento ni LJ, hindi lamang para sa kanya ang bulaklak kundi pati na rin sa kanyang partner na si Paolo Contis.

“Blurred photos but not in my memory! Look at these two! They picked flowers from our garden to give to Mommy and Papa!

“Nagiging afternoon habit na nila! Usapang planting kami, e. Pero totoo nagpa-planting talaga kami. Sabay namin inaaral ni Aki tapos may maliit na salingkit.”

Sa comments section, halos matuwa ang lahat ng netizens sa gesture nina Aki at Summer maliban kay Paolo na napagtanto na ang rason kung bakit nababawasan ang mga bulaklak sa kanilang hardin.

Aniya kay LJ, “Kaya pala nakakalbo 'yung halaman sa labas!!”

Paolo Contis' reaction to LJ Reyes's post. Source: lj_reyes (IG)

Ang ilang netizens naman, nanggigil sa cuteness ng magkapatid.

Sambit ng netizen, “Hala! Binata na si Aki at ampogi. Ang ganda ni Summer,” na sinundan pa ng heart-eyes emoji.

Netizens' reaction on Aki and Baby Summer. Source: lj_reyes (IG)

Si Ethan Akio Reyes Avelino ang panganay na anak ni LJ Reyes at ang kanyang former partner na si Paulo Avelino.

Habang si Summer Ayana Reyes Contis naman ay ang anak ni LJ Reyes kay Kapuso comedian Paolo Contis.

IN PHOTOS: The beautiful family of LJ Reyes and Paolo Contis

Paolo Contis and LJ Reyes share honest reviews of Korean dramas