Donna, Sunshine, at Geneva Cruz, nagpasaya online sa kanilang 'You're In Love' collaboration
Nagpasaya ng netizens ang magpipinsang sina Donna Cruz, Sunshine Cruz, at Geneva Cruz nang kantahin nila ang "You're In Love" na orihinal na kinanta ni Wilson Phillips noong 1991.
Ayon kay Donna, sama-sama talaga silang kumakanta noong mga bata pa sila kaya sanay sila rito.
Sulat niya sa caption ng kanyang post sa Instagram, “Thanks Gen and Shine for inviting me to perform/sing a trio with you.
“Before pa po, sa mga Cruz bands ng mga titos and titas namin, na gabi-gabi po ay may tugtog or gig sa mga hotels sa Manila, kumakanta na po kaming magpipinsan ng may harmony because we all grew up together (halos magkaka age po kami).
“Watching our ates, titos and titas sa mga Cruz bands na ang ganda at sarap pakinggan pag sabay kumanta at may voice blending kaya may influence na po talaga nila sa musika at pag awit.”
Dagdag pa ni Donna, sa susunod na video ay makakasama na nila ang isa pa nilang pinsan at aktres din na si Sheryl Cruz.
Aniya, “Susunod po with Ate Sheryl na naka chat na namin kaya mag prepare na din at excited na! Thanks, Ate @officialsherylcruz!”
RELATED: Sheryl Cruz to reunite with cousins Sunshine, Geneva, and Donna Cruz
Masaya rin si Sunshine sa naging 'virtual collaboration' nila dahil hindi nila madalas nakikita ang isa't isa.
Saad niya sa kanyang Instagram post, “We rarely get to see each other, Donna being based in Cebu while Geneva, though she's here already, used to live all the way in the US.
“It is such a blessing that even in this way we get together and share the love for one another that we all miss.
“Hoping to share this happiness to everyone! Enjoy!”
Hiniling naman ng ilang netizens na mag-concert ang magpipinsan kapag natapos na ang pandemic.
Sulat ng isang user, minsan lang mag-collaborate sa isang kanta ang magpipinsan.