
Para sa pagdiriwang ng Father's Day, nag-release ang softdrink brand na Coca-Cola ng isang special video kung saan tampok ang mag-amang Heart Evangelista at Rey Ongpauco na pinamagatang "Heartfelt times with the family."
Nagbonding sila sa pamamagitan ng pagluluto ng crispy pata habang pinagkekwentuhan ang mga magagandang alaala nila lalo na at certified daddy's girl ang aktres.
Ani Heart, "He was not really the type na super malambing. With his cooking, that's how he shows that he really loves us.
"It's just having solid time together."
Napagkwentuhan din ng mag-ama ang hindi nila pagkakaunawaan noon na may kinalaman sa buhay pag-ibig ni Heart.
Matatandaang hindi sang-ayon ang kanyang mga magulang sa kanyang pagpapakasal sa noo'y senador na si Francis "Chiz" Escudero kaya naman mag-isang naglakad ang aktres patungong altar.
Bahagi ni Daddy Rey, "Siguro, mga three years kaming nag-aaway nito, 'di kami nagkakausap."
Dugtong niya, "Kung ama ka, kung maari lang, sa 'yo tumira 'yung mga bata habang buhay.
"Siyempre, kapag anak mo na ang humingi sa 'yo, hindi mo matatanggihan. Kahit nahihirapan ka, gagawin mo.
"Gusto mo na lang may lugar kang pinupuntahan, may bahay ka na lahat ng tao do'n masaya.
"'Pag matanda na kami, may pagka-sentimiyento kami. Naghahanap kami sa inyo, mga pagmamahal n'yo."
Bumukod man si Heart ng bahay, pero hindi naman nawala ang pagmamahal nila sa isa't isa bilang pamilya kaya naman natutunan din nilang magpatawad.
Sambit ni Heart, "No'ng nag-away kami, I really felt a void in my life. It was so hard for me because having a solid family really matters to me so when I lost my family, I was lost as a person."
"We just started out like before, parang I was like a little girl again, we just get each other so much now.
"It's really important na you spend time with family, create lots and lots of memories kasi I guess we're just passing through this world.
"'Yun naman din ang mababaon natin at the end of the day.
"'Yun talaga ang totoong kayamanan sa buhay, it's family and moments."
Panoorin:
RELATED CONTENT:
#DaddysGirl: Heart Evangelista says her dad is "sweetest and most thoughtful"
LOOK: Heart Evangelista reveals the relationship status of her parents
WATCH: Heart Evangelista shares the biggest lesson she's learned in the Ongpauco household