Celebrity Life

Sheena Halili, nahirapan sa kanyang paglilihi

Maraming first-time moms ang makaka-relate sa pinagdaanan ng Kapuso actress na si Sheena Halili sa first few weeks ng kanyang pagbubuntis.

Sheena Halili is pregnant!

Matatandaan na noong June 13, inanunsyo nina Sheena at asawa niyang si Atty. Jeron Manzanero na malapit na sila maging magulang.

Sa sunud-sunod na video na ipinost ng StarStruck alumna sa Instagram Story, ibinahagi niya na hindi madali ang kanyang paglilihi.

Kuwento niya, “Sa mga nagme-message po sa akin na mommies, soon-to-be mommies like me--na hindi po sila makakain na nasa sixth week, sila nasa eight week 'yung isa, kung ano daw 'yung pinagdaanan ko--huwag kayo mag-alala ganyan din ako hanggang 11th week ko po yata hindi ako makakain nang maayos.

“Part po 'yan ng paglilihi ang sabi po nila sa akin kapag ganyan daw po ang nararamdaman mo, 'yung sobrang morning sickness, it means okay si baby.”


Umabot daw si Sheena sa puntong kung saan ayaw niya ang lasa ng tubig o amoy ng kanin or ulam.

Aniya, “And opo, ako din po, hindi po ako makainom ng water po noong mga first weeks ko po--fifth week or sixth week.

"Ayoko rin po ng lasa ng tubig, ayoko ng amoy ng kanin, ayoko ng amoy ng kahit anong ulam.

“Buong trimester ko po ganun, pero make sure mommies na kumain ng fruits and vegetables para mayrun pa rin na nutrients.”

Ipinaalala rin ng Kapuso star na ugaliin na komunsulta sa OB-Gyn upang mabigyan ang mga moms ng tamang payo tungkol sa kanilang pagbubuntis.

“Pahabol na message ko make sure din palaging niyo kakausapin ang OB niyo, si OB, si doctor talaga ang makakapagsabi kung ano ang best for you, kung ano 'yung okay for you at hindi okay for you,” payo ni Sheena.

Idinaos ang star-studded wedding nina Sheena Halili at Jeron Manzanero noong February 23, 2020.

LOOK: Quarantine life of soon-to-be parents Sheena Halili and Jeron Manzanero