Celebrity Life

Chynna Ortaleza, ibinahagi ang pagod bilang ina sa #DasterDiaries

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Chynna Ortaleza ang kuwento niya tungkol sa pagiging ina sa #DasterDiaries.

Si Chynna at Kean Cipriano ay may dalawang anak, sina Stellar, 4; at Salem, 9 months.

Sa unang entry ni Chynna sa #DasterDiaries, kinamusta niya ang kanyang followers na mommies kung nakararamdam rin sila ng pagod tulad niya.

"How are you guys? Pagod na ba ang lahat ng mga super moms?" ani Chynna.

Patuloy niya, "Reality lang pag dating ng ganitong oras ang aking bahay ay nagiging pang finders keepers. Sa umaga masaya pa ako.. sa gabi naiiyak na ako."

Pag-amin ni Chynna sinusubukan niyang maging maayos ang kanilang set-up.

"I try my best to keep things in order but 2 people who combine parenthood & working from home can only do so much."

Samantala, nabanggit ng Idol sa Kusina star na siya ay a-attend ng isang klase para mas mapabuti ang kanyang pag-aasikaso sa bahay bilang nanay ngayong mayroon ng new normal.

"If you can relate.. I'm taking a class to help me cope & manage my household.

"This new normal is challenging in all aspects," aniya.

Chynna Ortaleza reminds parents to be present in their child's life

I Know Right: COVID-19 safety tips from Chynna Ortaleza and Myrtle Sarrosa