Celebrity Life

Dingdong Dantes on being at home during ECQ: 'Something that I haven't done in 20 years'

By Cara Emmeline Garcia

Isang blessing in disguise para kay Dingdong Dantes ang enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil nagawa niyang makasama ang kanyang pamilya.

Dugtong ng Kapuso Primetime King, “I found a very good time kasi I got to bond with them which is something na hindi ko nagawa in the past 20 years kasi lagi akong nasa kalsada, working.”

Tulad ng karamihan, hindi rin naging madali para kay Dingdong na mag-adjust sa kanyang bagong routine sa bahay at sagutin ang ilang mga katanungan ng kanyang panganay na si Zia tungkol sa pandemiya.

Kuwento niya sa ilang miyembro ng press via Zoom, “Alam mo, hindi naman naging madali para sa ating lahat.

“But siyempre, we just have to find ways on how to survive and how to adapt.

“Parang, kailangan mong hanapin 'yung the good and the beauty in everything kahit na we are faced with challenges, 'di ba?

“Sa amin, especially dito sa bahay namin, 'pag mayroon kang four-year-old na medyo makulit talaga, hindi ka mawawalan ng gimik.

"Kasi, kailangan makakaisip ka ng paraan on how to entertain them para at least hindi sila ma-bore. Kasi sometimes may reality check kasi nasa edad na sila.

“'Yung panganay ko nga na si Zia nagtatanong na, 'What's happening to the world? Why aren't we going out? Why are we not allowed to go out?'

“And therefore, kailangan mong sagutin ng hindi pabola-bola. You have to tell her the truth and by telling her the truth it makes you reflect kung ano nga ba 'yung nangyayari on what you can do too after the pandemic”

Sa halos tatlong buwan na nasa bahay si Dingdong, marami-rami raw ang kanyang natuklasan at natutunan tungkol sa kanyang sarili.

Pero kung tatanungin kung ano ang pinakanakatatawang karanasan niya ng buong ECQ, ito ang kanyang face-off sa isang daga na umaaligid sa kanilang lanai area.

Wika ng aktor, “Sobrang matatakutin ako sa daga. As in talagang 'pag may nakita akong daga o may malaman lang ako na mayroon sa tabi-tabi, magfi-freak out ako.

“Ang nangyari, lalo na nung first three weeks, tuwing umaga mayroon akong favorite spot sa lanai,so medyo labas ng pinto.

“Sa sobrang routine na ang ginagawa ko, which I very much appreciate now... So tuwing umaga ako nagme-meditate, I take in all the positive energy para maging klaro 'yung isip ko, at maplano ko 'yung araw kahit paulit-ulit.

“Pero isang takeaway doon is, naging kaibigan ko na 'yung isang malaking daga na umaaligid sa bahay namin kasi nakaya ko na mag-stand off sa kanya ng mga at least 3 seconds kasi 'di siya umuurong, e.

“At least ngayon meron na kaming mutual respect kasi talagang inuurungan ko siya dati. Mukhang okay na naman kami.”

IN PHOTOS: Dingdong Dantes and 'DOTS Ph' Alpha Team banner 2020 calendar

Dingdong reacts to the viral artwork featuring himself using nut wrappers