Celebrity Life

Max Collins, nasa home stretch na sa kanyang pagbubuntis

By Aedrianne Acar

Ilang araw na lang ang iinintay ng first-time parents na sina Max Collins at Pancho Magno para sa pagsilang ng kanilang baby boy.

#SolidKapuso: Pancho Magno and Max Collins | GMA 70th Anniversary

Sa Instagram post ng Kapuso hunk na si Pancho Magno noong June 29, ipinasilip niya ang ginawa nilang cute photoshoot ng kanyang misis, kung saan naghahanda na sila para sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Ipinakita naman ni Max sa kanyang Instagram followers noong July 4 na active pa rin sa kanyang regular prenatal pilates kahit nasa bahay.

Dito, nag-react sa post niya ang kapwa first-time mom niyang si Dianne Medina na “one week” to go na lang daw.

Nagpaabot din ng excitement ang Kapuso celebrities tulad nina Megan Young at Michelle Dee sa pagdating ng baby nina Max at Pancho.

Sa nakaraang panayam ng "Chika Minute" kay Max, sinabi niyang plano niya mag-water birth dulot na rin ng panganib na dala ng COVID-19.

“I just don't feel comfortable in the hospital setting, lalo na now. I just started a course for home birthing. I want it to be a water birth so I'm looking for a mini pool.

“I never thought it would come to this but I think that would be the safest way for me,”

Max Collins considers water birth due to COVID-19 threat