Celebrity Life

Liz Uy, itinuturing na second mom nina Vince Uy at Laureen Uy

By Aedrianne Acar

Mas nakilala ng mga netizen ang mga kapatid ng vlogger at social media influencer na si Laureen Uy na sina Vince Uy at Liz Uy sa latest vlog niya na 'Who's Most Likely To With My Siblings.'

Kilalang stylist ng mga popular celebrities si Liz at creative director naman ang nakakatandang kapatid nila na si Vince.

Sa isang bahagi ng vlog, nagtawanan ang tatlo sa tanong na "Who's most likely to start a fight?"

Pinili kasi nina Laureen at Vince si Liz na aminado din naman.

Paliwanag ni Lau sa kanyang choice, “Ikaw rin kasi 'yung pinaka-mom sa lahat.”

Dagdag din ng kuya niya, “Siya [Liz Uy] actually 'yung pinaka-protective sa amin. Like ako medyo [carefree], more than me siya talaga.”

Pagtatanggol naman ni Liz sa kanyang sarili, “Hindi naman siya sa fight, more on, I know I'm always right.”

Binuko din nina Vince at Laureen ang kapatid nila na si Liz na siya daw ang huling magso-sorry kapag nakipag-away.

Paliwanag ng celebrity mom, “'Pag nag-sorry na sila grabe na 'yung iyak ko, pero intayin ko talaga mag-sorry muna kayo, bago ako.”

Napa-hirit tuloy si Vince Uy na “Lunok-lunok din ng pride minsan.”

Isa din sa na-reveal sa kulit vlog ni Laureen ay ito: takbuhan nila kapag may problema sila si Liz Uy.

Bakit kaya?

Alamin ang naging sagot ni Vince Uy sa vlog below.