Celebrity Life

Pia Guanio, tinuturuan ng pagtitipid sina Scarlet at Brooklyn

By Dianara Alegre

Ibinahagi ni Eat Bulaga host at celebrity mom na si Pia Guanio na isa ang pagtitipid sa mga itinuturo niya kanyang adorable daugthers na sina Scarlet Jenine at Soleil Brooklyn Mago.

Aniya, mahalagang matutunan ng mga bata ang pagiging resourceful at pagtitipid sa murang edad pa lamang.

Ibinigay niyang halimbawa ng mga pangaral sa panganay niyang anak na si Scarlet ang pagkain at mas mainam na pagkonsumo ng saging.

“'Yung tinuro ko kina Scarlet is, you know, how we buy bananas na isang piling tapos hindi mo naman mauubos 'yun lahat talaga, e.

“Before you get to them ay nagiging black and yellow na.

"So, it's actually very good ingredient for banana muffins or banana loaves.

"You don't throw these things out. You can use them, you can repurpose them,” aniya.

Dagdag pa ni Pia, kahit sa pagkahilig ni Scarlet sa art ay may tipid tips din siyang ibinahagi sa anak.

“Si Scarlet, mahilig kasi 'yan mag-art. Mahilig mag-drawing. So I always tell her you have to use both sides of the paper,” sabi pa niya.

Pia Guanio at Scarlet Jenine Mago / piaguanio_mago (IG)

Ayon naman kay Kapuso actress Yasmien Kurdi, bata pa lamang ay tinuturuan niya nang matutong mag-ipon ang unica hija niyang si Ayesha Zara sa pamamagitan ng pagkakaroon ng alkansiya.

“Lata pwede na. Lagay n'yo lahat du'n 'yung mga barya. Magugulat kayo at the end of the year, ang laki na pala ng pera n'yo.

"Ganu'n ko tine-train si Ayesha nung bata. Kung paano siya magse-save ng money at a young age,” sabi pa niya.

Yasmien Kurdi at Ayesha Zara / yasmien_kurdi (IG)