Celebrity Life

WATCH: Carmina Villarroel, binigyan ng test ang mga kapatid

By Maine Aquino

Sa latest episode sa YouTube channel ni Carmina Villarroel, nakasama niya ang kanyang mga kapatid para sa isang fun challenge.

Ipinakilala ni Carmina sina April, Rhea, at ang nag-iisang kapatid niyang lalaki na si Paolo.


Silang tatlo ay sumagot ng inihandang 17 questions ni Carmina para alamin kung sino sa tatlo ang mas nakakakilala sa kanya.

Ilan sa mga tanong ni Carmina ay ang kung sino ang may alam ng kanyang full name, favorite color, shoe size, first regular show, first movie, at iba pa.

May ilan pang detalye na nabuking kay Carmina tulad ng pagkakaroon ng unan na tinatawag niyang mimi pillow. Ito ay lagi niya dapat hawak para makatulog siya. Nagkagulo rin ang magkakapatid nang pag-usapan nila kung sino ang first childhood friend ni Carmina dahil magkakaiba ang kanilang inihandang sagot.

Panoorin ang mga sagot ng mga kapatid ni Carmina at ang kanilang fun bonding moment sa kanyang YouTube channel.


'Sarap, 'Di Ba?,' mapapanood na sa mas pinaagang oras!

WATCH: Carmina Villarroel and Cassy Legaspi's #BinibiningMarikitDanceChallenge