Celebrity Life

Bagong litrato nina Dingdong Dantes at baby Ziggy, kinakiligan at pinanggigilan ng netizens

By Cherry Sun

Magkahalong kilig at gigil ang naging reaksyon ng netizens nang i-upload ni Marian Rivera ang bagong litrato ng kanyang mag-amang sina Dingdong Dantes at baby Ziggy.

Ibinahagi ni Marian ang kanyang kuha ng bonding moment nina Dingdong at Ziggy habang nakababad sa pool.

Aniya, “The BEST dada! 'Wag mo ako titigan ng ganyan kiss kita dyan!”

Dahil sa kanyang caption at pati na rin sa cute na cute na mag-ama, umani ng maraming puso at komento ang kanyang Instagram post.

Kamakailan, pinagkaguluhan din ng celebrities at netizens ang mga bagong litrato nina Ziggy at Zia.

LOOK: Marian Rivera and Dingdong Dantes's home date while in quarantine

IN PHOTOS: Inside the quarantine life of the Dantes family