Celebrity Life

Katrina Halili, may technique para sa online school ng anak na si Katie

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 4, 2020 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - NBI serves warrant of arrest against Sarah Discaya today, Dec. 18, 2025 | GMA Integrated News
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

katrina halili on katie online school


Upang hindi ma-distract ang anak na si Katie sa online scholling, may ino-offer si Katrina Halili sa kanya na pwede niyang gawin tuwing weekend. Ano kaya ito?

Inamin ni Katrina Halili na pati siya ay nag-a-adjust sa online schooling ng kanyang anak na si Katie Lawrence.

Noong mag-guest si Katrina at ang kanyang co-star sa Prima Donnas na si Benjie Paras sa Kapuso ArtisTambayan, ibinahagi ni Katrina ang kanyang technique upang hindi mawala sa focus ang kanyang anak.

Kuwento niya, “Online schooling starts na, so nag-i-struggle ako.

“Nakakatutok ako sa kanya pero malayo, sinisilip ko lang siya.

“May mga pa-reward ako, 'Hindi kita papahiramin ng iPad mo mamaya.'

“Kasi nung mga una[ng araw], ang hina-hina ng boses, sumagot, ang hina mag-pray, ang hina kumanta.

“Sabi ko, 'Kapag kumanta ka ng 'Lupang Hinirang,' lakasan mo. Kailangan marinig ko, ha, may 10 minutes kang iPad sa akin.'

“Ang iPad niya kasi, tuwing Sabado 'tsaka Linggo [lang], tig-15 minutes, 15 minutes.”

Panoorin ang pakikipagkuwentuahn nina Katrina at Benjie sa host ng Kapuso ArtisTambayan na sina Yasser at Betong:

Kasalukuyang mapapanood ang catch-up episodes ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.

Katrina Halili, naiinis na nga ba kay Aiko Melendez dahil sa 'Prima Donnas?'

'Prima Donnas' stars Katrina Halili at Benjie Paras, maintindihan kaya ang Gen Z slang words?