Celebrity Life

Yasmien Kurdi, hanga sa pagkukusa ni Ayesha sa gawaing bahay

By Cherry Sun

Bilib si Yasmien Kurdi sa kasipagan at pagiging responsable ng kanyang anak na si Ayesha Zara. Nagkukusa kasi ang unica hija nila ni Rey Soldevilla sa gawaing bahay.

Dati pa ipinagmamalaki ni Yasmien si Ayesha dahil sa talent nito sa pagkanta, pagtugtog ng piano, at iba-ibang interes kung saan nakakapag-bonding sila.

Sa kabila nito, mas humanga ang Kapuso mom dahil sa pagiging maasikaso at malambing ng kanyang anak .

Ani Yasmien, “Nakakatuwa si #AyeshaZara... very responsible. Hindi ko naman inuutusan sa mga gawaing bahay, pero siya lang ang nagkukusa. Tapos may libreng masahe pa ako gabi-gabi hehe. I love You Aying!!!”

#CasaSoldevilla: Get starstruck with the beautiful home of Yasmien Kurdi