Celebrity Life

Ice Seguerra, masayang nakasama ang amang may sakit

By Nherz Almo

Masaya ang singer na si Ice Seguerra dahil kasama niya ang kanyang ama, na patuloy na lumalaban sa sakit na prostate cancer, sa gitna ng pandemya.

Aniya, "My heart is full of love and joy in these moments I get to spend time with my dad.

"He is nearing the end of his life but it is a life well lived. He knows he is loved by his family and friends."

Sa kanyang pinakahuling Instagram post, ikinuwento ng "Pagdating ng Panahon" singer ang pag-uusapa nila kamakailan ng kanyang amang si Decosoro Seguerra.

"Tinawag niya kaming lahat nung isang araw, handa na raw siya. He talked to all of us, with so much love and gratitude.
"Pagkatapos nun, ang sabi niya sa aming lahat, 'masaya ako'.

"At masaya rin kami dahil wala kaming ibang hangad kundi maramdaman niya ang kaligayahan. He deserves that."

Dahil dito, ani Ice, "At this moment, we're making beautiful memories together.

"Walang patid na tawanan, kwentuhan, kantahan at siyempre minsan may iyakan. Pero magkakasama kami. At iyon ang pinakamagandang regalo sa aming lahat.

"We're spending our happiest days, together."

"Happiness, something that people say is hard to find, is just within all of us.

"Sa ano mang parte ng ating buhay, kaya natin makamit ito. Let go of past hurts, accept that nothing is permanent, and most of all, live in the moment."

Sa huling bahagi ng kanyang post, hiling ni Ice, "Please send good thoughts to my dad and our family.

"We appreciate all the love, good words and good deeds that is coming our way.

"Live and love in the moment, always."

Bago ang post na ito, makikita rin sa mga nakaraang post ni Ice ang masasayang bonding nila ng kanyang ama habang nasa ospital.