
Isang araw bago ang Pasko, bumisita ang binatang anak ni Vic Sotto na si Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanilang tahanan.
Kitang-kita ang tuwa sa mga ngiti ni Vic at ng bunso niyang anak na si Tali sa larawan na ibinahagi ng asawa niyang si Pauleen Luna.
Ayon sa post ni Pauleen, noong Marso pa nila huling nakita si Mayor Vico.
"Thank you for visiting, Vico Sotto ! First time to see him again since March! God bless you, always 🎄 Merry Christmas!"
Thank you for visiting, Vico Sotto ! First time to see him again since March! God bless you, always 🎄 Merry Christmas!
Posted by Marie Pauleen Luna-Sotto on Wednesday, December 23, 2020
Sa kabilang banda, sa kanyang Facebook post, ipinaalala ni Mayor Vico ang kahalagahan ng pagdiriwang ng Pasko kasama ang pamilya.
Aniya, "For those of you who are able to spend time with your loved ones this Christmas-make the most of it!
"For those who are unable to do so because of work, quarantine, or other circumstances, let's still find ways to celebrate the spirit of Christmas with one another.. kahit virtually lang muna."
First time to see Papa, Pauleen, and Tali after 9 MONTHS! For those of you who are able to spend time with your loved...
Posted by Vico Sotto on Thursday, December 24, 2020
Kamakailan lang ay muli ring nakasama ni Mayor Vico ang nakatatandang kapatid niyang si Oyo Sotto matapos ang ilang buwang quarantine.
Ito ay sa pamamagitan ng taping ng programang kinabibilangan ni Oyo, ang Daddy's Gurl, na ginawa sa Rainforest Adventure Experience Park sa Pasig.
Sa kanyang Instagram post, pabirong sinabi ni Mayor Vico na mas ipinag-utos niyang singilin ng fees ang production ng programa dahil ito ay sa ilalim ng kumpanya ng kanyang tatay, ang M-Zet productions.
Dahil sa banta sa kalusugan ng COVID-19, mahigpit na ipinagbabawal ang malalaking salo-salo upang maiwasan ang pagkakahawa sa virus.
Bunsod nito, maraming family gatherings ang hindi muna natuloy ngayong taon.
Gayunman, nagawan pa rin ng paraan nina Vic at Pauleen na ipagdiwang ika-tatlong kaarawan ng kanilang anak na si Tali.
Ang party na ginanap sa kanilang bahay ay dinaluhan lamang ng ilang anak at apo ni Vic.
Samantala, kilalanin ang mga apo ni Vic sa gallery na ito: