
Laking tuwa ni Mayor Vico Sotto na muling makita ang Kuya Oyo Sotto niya nang bumisita siya sa shooting ng high-rating Kapuso sitcom na Daddy's Gurl sa Pasig City.
Sa Facebook post ni Mayor Vico, makikita na nagti-taping sa Rainforest Adventure Experience Park sina Oyo, Maine Mendoza, Kevin Santos, Via Antonio, Chichirita, Chamyto, at Wally Bayola.
Sabi ng batang mayor, first-time nila uling magkasama ng kuya niya magmula noong Marso, kung kailan nagsimulang ipatupad ang lockdown para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Anak si Vico ni Coney Reyes kay Bossing, samantalang si Oyo at kapatid niya na si Danica Sotto-Pingris ay mga anak ng veteran host kay Dinna Bonnevie.
“First time to see Kuya Oyo since March!!! Visited them on the set of 'Daddy's Gurl' in Pasig's very own Rainforest Adventure Experience Park.”
At kung inaakala ng marami na makakalibre sa pagbabayad ng fees ang production ng Daddy's Gurl, sa shooting nila sa Pasig City nilinaw ni Mayor Vido na dapat singilin ang kumpanya ng kantang tatay na M-ZET Production.
Hirit nito sa FB post, “Binisita ko sila para maningil ng fees. Joke lang. Pero totoong may fees sila
“Actually, nung una nahihiya 'yung mga empleyado ng LGU na singilin ang M-Zet Productions ng fees, dahil alam nilang kay Papa 'yun.
“Pero nung nalaman ko 'to, ang sabi ko, MAS LALONG DAPAT singilin 'pag kamag-anak ko!! Ma-check nga bukas kung bayad na sila.”
Bago nanalo bilang city mayor ng lungsod ng Pasig si Vico Sotto taong 2019 ay naglingkod muna siya bilang miyembro city council.
Samantala, gumaganap naman na Barak si Vic Sotto sa Daddy's Gurl na isang Batangueño na coffee shop owner at boss naman ng karakter ni Maine Mendoza na si Stacy si Sir Lance na role naman ni Oyo Sotto sa Saturday night sitcom ng GMA-7.
RELATED CONTENT
Bonding time ng 'Daddy's Gurl' stars in the new normal
Celebrities congratulate Kevin Santos for finishing his college degree