GMA Logo Luane Dy and Carlo Gonzalez with son
Celebrity Life

Luane Dy and Carlo Gonzalez hold online christening for son Jose Christiano

By Jansen Ramos
Published January 26, 2021 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE UPDATES: Team Philippines at the 2025 SEA Games (December 15, 2025)
Marian Rivera brings Italian designer bag to Kiray Celis and Stephan Estopia's wedding
Amnesty granted to 5 ex-rebels in Northern Mindanao

Article Inside Page


Showbiz News

Luane Dy and Carlo Gonzalez with son


Star-studded ang mga ninong at ninang ng anak nina Luane Dy at Carlo Gonzalez. Ilan lamang diyan sina Dingdong Dantes, Sunshine Dizon, Ryan Agoncillo, at Pia Guanio.

Bininyagan na ang anak ng celebrity couple na sina Luane Dy at Carlo Gonzalez na si Jose Christiano, na kung tawagin nila ay Baby X, kahapon, January 25.

Espesyal ang okasyon na ito para kay Luane dahil sa araw ding iyon ipinagdiwang niya ang kanyang 35th birthday.

Dahil kailangang obserbahin ang COVID-19 health and safety protocols, sina Luane, Carlo, at kanilang anak lamang ang present sa simbahan kung saan bininyagan ang huli.

Nasaksihan naman ito ng mga ninong at ninang ni Baby X via Zoom video conference.

Sa Instagram Stories ni Luane, makikita na star-studded ang mga ninong at ninang ni Baby X na dumalo sa online christening nito.

llan lamang diyan ang Encantadia co-stars ni Carlo na sina Rocco Nacino at Mikee Quintos, at co-hosts ni Luane sa Eat Bulaga gaya nina Pia Guanio at Ryan Agoncillo.

Present din virtually ang Unang Hirit co-hosts ni Luane na sina Suzi Abrera at Lyn Ching, at mga kaibigan nito sa GMA News gaya ni Pia Arcangel.

Dumalo rin sa online christening ni Baby X ang ilang kamag-anak ni Carlo gaya ng kanyang pinsang si Dingdong Dantes, at si Sunshine Dizon na kasamahan ng dalawa sa kanilang talent agency.

Nagpaabot naman ng pagbati ang Eat Bulaga co-host ni Luane na si Pauleen Luna na hindi nakadalo sa online christening ni Baby X.

Walong taon na ang relasyon nina Luane at Carlo nang naiulat na ikinasal sila sa isang intimate civil wedding noong November 2019.

May 2020 nang isilang ng TV host ang kanilang unang anak na si Jose Christiano.

Tingnan ang simpleng buhay nina Luane at Carlo kasama si Baby X sa gallery na ito: