
Isang buong araw na muling nakapiling ni Buboy Villar sina Vlanz at George, kanyang mga anak sa dating nobyang si Angillyn Gorens.
Buboy Villar with his children
Sa bahay ng pamilya ni Angillyn kasalukuyang nanunulayan sina Vlanz at George, at simple lamang ang ginawa ng Owe My Love actor upang maka-bonding ang mga bata.
Mapapanood sa vlog ni Buboy ang kanyang ginawang pagbisita. Dinalhan niya ang kanyang mga anak ng pagkain at nakipaglaro sa mga ito. Karamihan ng kanyang video ay ipinapakita ang kanyang pakikipagkulitan at pakikipaghabulan sa dalawa, at pati na ang paghahanap sa kanilang asong si Gotti.
Bahagi rin ng aktor, “Ayaw ko naman silang sanayin na habang nagkukulit, cellphone na lang ang ipapakita. Siyempre iba pa rin 'yung, alam mo 'yun, bok, bonding.”
Panoorin ang kanyang vlog kasama ang kanyang mga anak dito:
Nagkakilala sina Buboy at Angillyn sa set ng The Half Sisters. Hindi nagtagal ay naging magnobyo at magnobya sila at na-engage noong June 2016.
September 2017 nang ipinanganak ni Angillyn si Vlanz at sumunod naman si George noong August 2019.
October 2020 nang isapubliko nina Buboy at Angillyn ang kanilang hiwalayan.
Balikan ang timeline ng kanilang relasyon sa gallery sa ibaba:
Naudlot man ang kanilang pag-iibigan, nagkasundo ang dalawa na gampanan pa rin ang pagiging magulang sa kanilang mga anak.
Nasa pangangalaga ng mga magulang ni Angillyn sina Vlanz at George, habang tutok naman sa kanyang career si Buboy. Ang Kapuso actor ay gaganap bilang si Agwapito “Gwaps” Guipit sa Kapuso rom-com series na Owe My Love na mapapanood na simula February 15.
Kilalanin ang iba pang cast ng Owe My Love sa gallery sa ibaba: