Celebrity Life

Mensahe ni Mark Herras para sa anak na si Mark Fernando, pinusuan ng mga celebrity at netizens

By Aedrianne Acar

Nakaka-antig ang sweet Instagram post ng StarStruck Ultimate Male Survivor na si Mark Herras para sa anak nila ni Nicole Donesa na si Mark Fernando o Baby Corky.

Matatandaan na noong February 1, inanunsyo ni Mark na nanganak na ang kanyang fiancée na si Nicole.

Ilang araw matapos nito, panay ang post ng Kapuso actor ng picture ni Baby Corky sa social media.

May pabirong post pa ito sa kanyang anak, sabi niya, “Mark Fernando Donesa Herras Wala ka pang isang linggo pero ang dame mo ng ginagawang kalokohan pero sa pinaka cute na paraan mo sya ginagawa haaaaay puyat at pagod?

“Kayang kaya kasi iba 'yung saya na binibigay mo samin ng mameeeehhh mo. Labyu bibiboy!!!!”

Nagpaabot din si Mark Herras ng pasasalamat sa mga tumutulong sa kanila ni Nicole sa pag-aalaga ng kanilang newborn.

“And nana/mita thank you po sa lahat alam ko 1 week palang si Corky pero mas naging madali ang lahat dahil nandiyan po kayo. Salamat po!! #Corky”

Sunud-sunod naman ang komento ng ilang celebrities sa IG post ni Mark tulad na lang ng kapwa StarStruck batchmate niya na si Yasmien Kurdi, Sexbomb girl Rochelle Pangilinan, at comedian na si Divine Tetay.

May separate Instagram post din si Mommy Nicole na 'tila hindi mapigilan na panggigilan ang kanyang baby boy.

Aniya, “Just when you think you know love, someone so little and precious comes along to remind you just how big love really is.

“Hi Everybody I'd like for you all to meet this little cutie who stole my heart at first sight. My son, my light & my life... Mark Fernando Donesa Herras (Bibiboy Corky).”

Nagkasama sa afternoon soap na Bihag sina Nicole Donesa at Mark Herras at noong August 2019, umamin na silang dalawa sa kanilang relasyon.

Noong June 2020, nag-propose naman ang Kapuso actor sa former beauty queen at pagdating ng Setyembre kinumpirma nila na buntis na si Nicole at five months pregnant.

Balikan ang love story nina Mark Herras at Nicole Donesa sa gallery below.