GMA Logo sophie albert and vin abrenica
Celebrity Life

Sophie Albert and Vin Abrenica are expecting a baby girl!

By Maine Aquino
Published March 1, 2021 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AZ Martinez, Vince Maristela bring joy, Christmas gifts to young cancer patients
Isa ka hinuptanan nga karabaw, nasapwan nga nakabitay sa Ibajay, Aklan | One Western Visayas
Sparkle artists, bibida sa GMA Radio 'Higanteng Pasasalamat' event

Article Inside Page


Showbiz News

sophie albert and vin abrenica


Sa pamamagitan ng dalawang gender reveal parties, ipinaalam nina Sophie Albert at Vin Abrenica sa kani-kanilang pamilya na baby girl ang kanilang magiging anak.

Ipinakita nina Sophie Albert at Vin Abrenica na baby girl ang kanilang magiging unang anak.

Sa kanilang gender reveal video, na in-upload sa YouTube channel nila, ikinuwento ni Sophie na pinaghandaan sila ng intimate gender reveal party ng kanyang ina, kasama ang kanilang pamilya.

Sophie Albert and Vin Abrenica s gender reveal

Photo source: YouTube: Vin & Sophie

Kuwento ni Sophie, nangyari ang gender reveal party sa kanilang thanksgiving celebration.

"We're outside my Kuya's house. Today is Thanksgiving.

"My family usually celebrates Thanksgiving, but my mom decided to throw us a gender reveal."

Naging emosyonal namann ang Kapuso star nang makita ang inihanda ng kaniyang pamilya para sa kaniyang gender reveal.

Sumunod naman nilang ipinakita ang naging gender reveal kasama ang pamilya nina Vin.

Kasama rito ang Kapuso star na si Kylie Padilla at ang kapatid ni Vin na si Aljur Abrenica.

Ginanap ang gender reveal sa bahay nina Kylie at Aljur at naghanda sila na ang isang fun activity para sa gender reveal.

Ayon sa kanilang YouTube post, pinili nilang magkaroon ng magkahiwalay na party para masiguro ang kaligtasan ng bawat pamilya ngayong may pandemic.

"So happy to finally share our gender reveal celebrations with you guys!

"As much as we would have all wanted to be together, we had 2 separate get togethers for the Reyes family and the Abrenica family to keep everyone safe.

"Very different celebrations but both equally fun! Sharing with you special moments with our families."

Sa huli ay ipinakita nila na sila ay magkakaroon soon ng baby girl.

Panoorin ang gender reveal video nina Sophie at Vin.

Congratulations, Sophie and Vin!

Tingnan ang maternity photos ni Sophie sa gallery na ito.