Celebrity Life

Aljur Abrenica promises to be a good father and husband as he celebrates birthday

By Cara Emmeline Garcia

Sa pagdiriwang ng kanyang ika-31 kaarawan, isang pangako ang binitiwan ni Aljur Abrenica para sa sarili at sa kanyang pamilya.

Noong Miyerkules, March 24, isinaad ni Aljur ang maraming blessings na natanggap n'ya sa mundo at sinabing “mas pagbutihin” pa n'ya ang kanyang sarili bilang asawa kay Kapuso actress Kylie Padilla at ama sa kanilang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Aniya sa caption, “Unang-una, salamat sa Panginoon sa tuloy-tuloy na biyayang pinagkaloob n'ya sa 31 years ng eksistensiya ko.

“[Salamat sa] pamilya na laging nandyan upang alalayan ako, sa mga kaibigan na nagtitiwala at nanantiling totoo sa kabila ng pagsubok sa buhay, sa aking asawa at mga anak na nadyan upang mas pagbutihin ko pa ang aking sarili.

“Salamat sa lahat ng nakaalala at bumati sa aking kaarawan.”

Dagdag pa ni Aljur, “Wala na akong mahihiling pa sa kung ano man ang meron ako.”

Sa parehong post, ipinakita ng aktor ang pag-blow ng kanyang mga anak sa mga kandila ng kanyang cake at ang litrato nila ni Kylie na magkayakap sa araw ng kanyang kaarawan.

Maalalang naging usap-usapan ang estado ng relasyon ng mag-asawa noong Pebrero matapos mag-post ng ilang cryptic messages tungkol sa self-love si Kylie sa kanyang Instagram account.

Pinabulaanan naman ng mag-asawa ang mga ito kamakailan nang muling makita ang Kapuso actress na suot-suot ang kanyang wedding ring at nang tawagin siyang “Queen” ni Aljur noong International Women's Day.

Simula noon mas naging madalas ang pag-post ng mag-asawa tungkol sa kanilang pamilya at mga anak sa kani-kanilang social media accounts.

Muli rin nagbabalik ang mga post ni Kylie tungkol kay Aljur na una n'yang itinago kaya nagsimula ang mga bali-balita.

Sa comment section ng birthday post ni Aljur, maraming celebrities at fans ang bumati sa 31-year-old actor kabilang na diyan ang Kapuso stars na sina Rocco Nacino, Anthony Rosaldo, at Mark Herras.

ajabrenica (IG)

Balikan ang love story ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa gallery na ito: