GMA Logo candy pangilinan and quentin
Celebrity Life

Candy Pangilinan, nagdaos ng sariling graduation ceremony para sa anak na si Quentin

By Marah Ruiz
Published May 3, 2021 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

candy pangilinan and quentin


Ayon kay Candy Pangilinan, minsan hindi pinayagang dumalo sa graduation ceremony ang anak niyang na si Quentin. Alamin ang ginawa niyang paraan dito:

Para kay actress and comedienne Candy Pangilinan, "rejection" daw ang pinakamahirap na bahagi ng pagkakaroon ng isang anak na may special needs.

Teenager na ngayon ang anak ni Candy na Quentin.

Bata pa lamang siya nang na-diagnose na may attention deficit hyperactivity disorder o ADHD. Nasa autism spectrum din si Quentin.

Binalikan ni Candy ang ilang naging karanasan niya sa pagtataguyod kay Quentin sa Toni Talks, ang online talk show ng host at actress na si Toni Gonzaga.

PLEASE INSERT INSIDE IMAGE HERE

Ayon kay Candy, may mga pagkakataong hindi siya tinatanggap ng mga paaralan dahil isa siyang single mother.

Gayunpaman, pinayuhan siya ng kanyang nanay na maghanap pa rin ng magandang paaralan para kay Quentin.

"Sabi niya, 'Kayo, naka-big school kayo 'tapos si Quentin sa maliit na eskwelwhan.' So sige, kung paano nakapasok? Kilala niya 'yung may ari ng eskwelahan, so nakapasok kami.

"Noong nandoon na kami, hindi pina-graduate ng kinder.

"Pero galing na kami sa kinder, dapat nga Grade 1 na kami, e. Three times siya nag-kinder, kaya master na talaga," kuwento ni Candy.

Isa rin daw sa hindi niya malilimutang karanasan ang hindi pagpayag ng paaralan na sumama ang kanyang anak sa graduation ceremony.

Sa katunayan, handang-handa na si Quentin para dito dahil dumadalo na siya ng practice para sa mismong graduations rites at may picture at toga na rin.

Pero isang araw, bigla na lang daw pinag-pull out sa practice si Quentin.

Agad pumunta si Candy sa paaralan para magtanong kung bakit ganito ang naging desisyon.

"Punta 'ko sa principal, nagtanong ako. 'Bakit hindi ho siya ga-graduate?

"Sabi niya, 'Hindi lang naman po kinder ang ga-graduate. Mayroong pong ibang levels din. Paano 'pag nagawala ang bata? Nakakahiya,'" paliwanag daw ng principal kay Candy.

Umabot daw sa puntong nagmakaawa na siya sa principal para padaluhin si Quentin sa graduation ceremony.

"Umabot ako sa [puntong] kahit bigyan niyo na lang ho ng bond paper, [na] wala hong nakasulat. To make a long story short, naiyak ako sa principal, nagmakawaa ako. Ayaw pumayag noong prinicpal," aniya.

Dahil sa kagustuhan niyang ma-experience pa rin ni Quentin ang graduation ceremony, si Candy na mismo ang gumawa ng paraan.

"Sa awa ko, kinaibigan ko 'yung barangay captain namin. 'Di ba gumagawa ako ng events, so mayroon akong red carpet.

"Gumawa ako ng sariling graduatiun sa plaza. Kami-kami lang, nag-invite ako ng mga taga-Church, taga-palakpak. Grumadweyt siya sa plaza namin," paggunita ni Candy.

Lalo daw tumibay ang paninindigan niya bilang ina dahil sa karanasang ito.

"Mothers are made for a purpose and God will help you do it, make it happen, because that is your purpose," lahad niya.

Panoorin ang buong kuwento ni Candy dito:

Samantala, silipin din ang sweetest moments nina Candy at ng kanyang anak na si Quentin dito: