GMA Logo sophie albert and vin abrenica
Celebrity Life

Sophie Albert at Vin Abrenica, nag-react sa "huwag" comments tungkol sa pag-aalaga kay Avianna

By Maine Aquino
Published May 6, 2021 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

sophie albert and vin abrenica


Sa huling vlog nina Sophie Albert at Vin Abrenica, may ilang "mga huwag" comments silang napansin tungkol sa pag-aalaga kay Baby Avianna. Panoorin ang reaksiyon nila rito:

Nag-react sina Sophie Albert at Vin Abrenica sa mga komento tungkol sa paraan nila ng pag-aalaga kanilang anak na si Avianna.

Si Avianna ay ipinanganakvia C-section noong March 15.

Sa latest vlog nina Sophie at Vin, binalikan nila ilang comments sa nakaraan nilang video, ang "Raw 24 Hours with our Newborn."

Sa video na ito ay ipinakita ng celebrity couple ang kanilang routine bilang first-time parents kay Avianna.

Ipinakita rin nina Sophie at Vin kung paano nila alagaan ang kanilang baby girl.

Sophie Albert and Vin Abrenica

Photo source: YouTube: Vin & Sophie

Tinawag nina Sophie at Vin ang mga komento bilang "mga huwag."

Isa sa mga ito ang komentong bawal pa suklayan ang kanilang anak

Biro ng aktor, "Sa mga tao na nagsasabi diyan na bawal daw suklayan ang mga anak nila ng hanggang isang buwan, ang masasabi ko lang lalaki ang anak ninyo na bruha."

Dugtong pa niya, "Meron pa nga nagsabi one year daw, e. Paano 'yun?"

Mayroon din daw nagkomento na huwag muna paliguan si Avianna.

Pero para sa aktor, ang isa sa masasabi niyang pinakamatinding "huwag" comment ay ang tungkol sa paghalik sa kaniyang anak.

"Ito ang pinakamatinding comment sa akin, 'yung last video, '24 hours with a newborn.'

"Sa video namin na 'yun, makikita ninyo diyan na hinahalikan ko 'yung likod ni Avianna, 'yung batok niya, kasi nanggigil ako sa kaniya, sa anak ko."

"Huwag ko daw siya hahalikan sa batok kasi daw mababalisawsaw daw 'yung anak ko."

Nagsalita rin si Sophie tungkol sa mga komentong ito at ipinaliwanag niyang iba-iba talaga ang paraan ng pag-aalaga mga magulang sa babies.

"It's okay lang naman, Kaniya-kaniya tayo."

Dugtong pa ni Sophie, nagkataon lang na ang mga nabasa nilang ito ay mga bagay na kanilang hindi pinaniniwalaan.

"But, we don't believe it."

Panoorin ang kabuuan ng vlog nina Vin at Sophie rito:

Tingnan ang cute photos ng anak nina Sophie at Vin sa gallery na ito: