Celebrity Life

Rufa Mae Quinto, binigyan ng kotse ng asawa para sa kanyang birthday

By Aedrianne Acar

To the highest level ang birthday gift na natanggap ng former Bubble Gang star na si Rufa Mae Quinto mula sa kanyang husband of four years na si Trevor Magallanes.

Kasalukuyang naninirahan sa Amerika si Rufa Mae kasama ang kanyang Fil-Am hubby at anak nilang si Alexandria.

Makikita sa short video clip ng award-winning comedienne sa Instagram na nagmamaneho ito ng kotse na birthday gift sa kanya ni Trevor. Hindi malinaw kung anong model ito pero makikita sa manibela na isang Honda ang naturang sasakyan.

Marami naman sa celebrity friends ng comedy star ang napa-comment sa regalo niya.

Kahit naudlot ang pagbalik niya sa Pilipinas dahil sa pandemya, kinumpirma ni Rufa Mae sa panayam niya na Tunay na Buhay na plano niya umuwi this year.

Saad niya, “Alam mo, may brand new house ako na hindi ko na nakita.

“Five bedrooms, ang ganda-ganda tapos wala... hindi na nauwian.

“Pero, definitely this year, uuwi ako. Gusto ko bumalik para ayusin ko 'yung buhay ko diyan.”

Matapos ikasal si Rufa Mae Quinto kay Trevor Magallanes taong 2016 ay isinilang naman niya ang kanilang unica hija na si Alexandria noong February 17, 2017.

Silipin ang ilan sa makalaglag-panga na regalo ng paborito ninyong celebrities sa gallery na ito.