
Bibong-bibo ang anak ng bagong Kapuso actress na si Pokwang sa Tiktok video na kanyang ibinahagi sa Instagram. Sa post nito, natatawa at nagtataka ang komedyante kung paano nalaman ng kanyang 3-year-old na si Malia O'Brian ang kantang 'Dragostea Din Tei.'
“Ewan bakit alam ni @malia_obrian ang kantang ito (Dragostea den tei) hahahaha!” saad ni Pokwang sa Instagram ngayong araw, Hunyo 22.
Mayroon ding sariling Instagram account ang anak na si Malia kung saan makikita ang pagkamasayahin nito at ilang paandar ng cute na anak ng komedyante.
Anak ni Pokwang si Malia kay American actor Lee O'Brian. Nagkakilala ang dalawa sa set ng isang movie noong 2014 kung saan si Pokwang ang gumanap na bida at ang kanyang asawa naman ang kanyang love interest. Mayroon pang isang anak na babae ang komedyante, si Ria Mae, sa dati nitong karelasyon.
Samantala, nakatakdang mapanuod ang bagong Kapuso actress sa “Pepito Manaloto” at “Wish Ko Lang”. Excited na rin ang komedyante na makatrabaho ang ilang Kapuso stars tulad nina Carla Abellana at Barbie Forteza.
Kilalanin ang iba pang Kapuso na makakasama ni Pokwang sa GMA: