
Unang nagkakilala sina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano sa isang celebrity event noong 2008 na ginanap sa Boracay. Inanunsiyo ng dalawa ang kanilang relasyon noong 2015 at nagpakasal noong 2016. Ngayon, mayroon ng dalawang anak ang mag-asawa na sina Stellar Cipriano at Salem Cipriano.
Sa Instagram post ng aktres, ibinahagi nito ang isang family photo at ikinuwento kung paano niya nasabing si Kean na ang lalaking pinapanalangin niya. Noon pa man, palagi ng dalangin ni Chynna na bigyan siya ng tamang tao na makakasama sa buhay.
“First, I did away with whatever I thought was what I deserved. I prayed for no specific physical attributes, no lavish material belongings, no gender or romantic notions. But I told Papa God to help me select the right person who had a good soul, allow me to grow & to please love my family & uphold God as the center of our family. A person who could understand the brilliance of my father and respect and be a friend to my mother,” sulat ni Chynna.
At dumating si Kean na palagi lamang nakasuporta sa kanya. Biro pa ng aktres, “Check 1! Matagal na 'yan lang ang check kasi hindi ko pa mabasa ang pagkatao at puso. So hinayaan ko muna.”
Ikinuwento pa ng aktres ang unang pagkikita ng kanyang mga magulang at ni Kean para magpakilala.
“When we finally figured out that we liked each other enough… he met my Papa in the most awkward way. But he did not back down even if he already wanted to piss his pants. He extended a hand & introduced himself properly. The start of many handshakes and conversations that they would have,” kwento ng aktres sa unang pagkikita ni Kean at ng kanyang ama.
“Then came the test of Mama. Who was not easily disarmed with professions of love. She would go and blast Kean with her signature brand of frankness... and he was not intimidated or scared. He was honest with her & magalang. Nakikipagusap sa kanya ng walang problema. Ang saya!
He eventually told me after meeting her that she was beautiful, funny & eventually cried because we both knew something else was happening. A higher force of answered prayers.” dagdag pa ng aktres.
Sa paglipas ng taon mas dumarami ang check marks na napupuno ni Kean sa mga katangian na hinahanap ni Chynna. Malaki ang pasasalamat ng aktres sa Diyos dahil napakabuting tao ni Kean, lalo na bilang isang asawa at ama.
“Kaya Thank you Lord for helping me always. I know your promises are real & eternal,” pasasalamat ni Chynna sa katuparan ng kanyang mga panalangin.
Silipin ang buhay nina Kean, Chynna, at ng kanilang mga anak na sina Stellar at Salem sa gallery na ito: