Celebrity Life

Marian Rivera shares adorable playtime photos of daughter Zia

By Aimee Anoc

Cute na cute si Maria Letizia Dantes o mas kilala bilang Zia sa playtime photos na ibinahagi ni Primetime Queen Marian Rivera sa Instagram.

Hindi lang ganda ang namana sa mga magulang kung hindi maging ang kakulitan ng ina. Ani pa ni Marian, "Eh 'yung nakuha n'ya 'yung kakulitan ko!"

Sa post ni Marian ay kita ang pagkabibo ng kanyang panganay at ang pagiging masiyahin nito. Bagay na bagay rin ang long hair ni Zia sa kanya.

Sa kaparehong araw, ibinahagi rin ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa Instagram ang "smile with teeth" photo ng bunsong anak na si Sixto Dantes o mas kilala bilang Ziggy.

Game na nagpakuha ng larawan si Ziggy habang nakalabas ang kanyang mga ngipin na talaga namang kagigiliwan.

"Sabi ng Mama niya, "smile... with teeth, Six!" So ayan!" pagbabahagi pa ni Dingdong.

Samantala, mapapanood sina Marian at Dingdong sa Philippine adoptation ng hit Korean drama na Endless Love sa GMA primetime, Lunes hanggang Biyernes.

Balikan ang #AyMayDagaPose photos nina Marian at Zia sa gallery na ito: