GMA Logo Alessi Uytingco Athena Mori Uytingco Jennica Garcia
Celebrity Life

Jennica Garcia shares heartfelt birthday message for daughter Athena Mori

By Aimee Anoc
Published July 16, 2021 3:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Alessi Uytingco Athena Mori Uytingco Jennica Garcia


Happy 6th Birthday Athena Mori!

Ipinagdiwang kahapon, July 15, ni Kapuso actress Jennica Garcia ang ikaanim na kaarawan ng panganay na anak na si Athena Mori Uytingco.

Ibinahagi ni Jennica sa Instagram ang mensahe para kay Mori at sinabing proud siya sa anak. Masaya ang aktres na nakikitang mahaba ang pasensya ni Mori para sa bunsong kapatid na si Alessi Uytingco at maaga itong namulat sa salita ng Diyos.

A post shared by Jennica Garcia (@jennicauytingco)

"Happy 6th Birthday Ate Mori! I am in awe of how you embrace the role of being a big sister to Alessi with so much joy and patience. Mori was only 5 years old when she accepted and had an understanding of what it meant to be a follower of Christ," pagbati ni Jennica.

Ikinuwento rin ng aktres kung paano si Mori humihingi ng tawad sa Panginoon sa tuwing may nagagawa itong kasalanan.

"Jesus hindi ko po gusto na hindi ako nagshe-share. Bakit ako ganito Jesus? Ayoko ng ganito ako Jesus. Tutulungan mo ako. I want to be good," pagdarasal ni Mori.

Pagkatapos magdasal ng anak, ipinapaliwanag ni Jennica na normal lang na magkasala ang tao dahil ipinanganak itong makasalanan pero ang mahalaga ay binigyan ito ng Holy Spirit nang malaman ang tama at mali.

"With God's help, we can change the attitude and characteristics of ourselves that we do not like and live a life pleasing to our Father in heaven. I said we may not be rewarded the way we want to in this world and that's okay because we are not from this world but from up above and that when we reach heaven, we will all be rewarded accordingly," dagdag pa ng aktres.

Proud si Jennica na makita na sa murang edad ay isinasabuhay na ni Mori ang salita ng Diyos.

"Ate Mori, I honor you and praise the name of Jesus. Napaka YAMAN natin sa pagmamahal ng panginoon ang it gives me great comfort in seeing you living your life with Christ in mind at a very young age. I am so proud of you. All praises to our Abba Father! Happy Birthday Athena Mori!" pagtatapos na pagbati ng aktres.

Mag-isa na ngayong pinapalaki ni Jennica ang dalawang anak matapos na kumpirmahin nito na hiwalay na sila ni Alwyn Uytingco.

Samantala, balik-serye ngayon si Jennica sa upcoming GMA afternoon series na Las Hermanas kung saan ay gagampanan niya ang karakter ni Brenda, ang kontrabida sa buhay ni Dorothy na gagampanan naman ni Yasmien Kurdi.

Tingnan ang buhay ni Jennica bilang isang working mom: