Celebrity Life

Marian Rivera and Dingdong Dantes dance to Lambada

By Aimee Anoc

Ipinagdiwang kahapon (August 2) ni Primetime King Dingdong Dantes ang kanyang 41st birthday kasama ang mga mahal sa buhay.

Bago pa man ang selebrasyon, una nang dumalo sina Dingdong at Primetime Queen Marian Rivera sa birthday party ng kanilang kaibigang si Vien Nueva, na siya ring personal makeup at hair stylist ng aktres.

Ibinahagi ni Steven Doloso sa Instagram ang ilan sa mga larawan nina Marian at Dingdong na kuha sa birthday ni Vien noong July 24, maging ang video ng dalawa na sumasayaw ng Lambada.

Makikita sa mga larawan na parehong naka-black sina Dingdong at Marian at sinorpresa rin sila ng birthday cakes ng kanilang mga kaibigan.

Go na go sa pagsayaw sina Marian at Dingdong at hindi rin napigilan ng aktres na mapasabay sa tugtugin.

Una nang sinayaw nina Marian at Dingdong ang Lambada sa GMA variety show na SOP noong 2007. Makikitang hanggang ngayon kabisado pa rin ng dalawa ang steps ng sayaw na ito.

Samantala, patuloy na mapapanood sina Marian at Dingdong sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Endless Love sa GMA Telebabad pagkatapos ng Legal Wives.

Balikan ang masayang pamilya nina Dingdong at Marian sa gallery na ito: