
Ibinahagi ni Polo Ravales sa Instagram ang kauna-unahang larawan kasama ang anak na si Yatrick Paul Quiza Gruenberg na isinilang noong September 5.
Sa larawan, makikitang binibigyan ni Polo ng halik ang kanyang baby boy habang mahimbing na natutulog.
"Nap time," caption ni Polo, na may kasamang heart emoji.
Sa isa pang post, ibinahagi ni Polo ang cute na cute na larawan ni Yatrick Paul kung saan hindi na nito napigilang manggigil.
"My 3 week old Baby P. Gusto kong kagatin [ang] pisngi mo," panggigigil ni Polo.
Sa panayam sa GMA Regional TV, sinabi ni Polo na looking forward siya sa kanyang pagiging tatay ngayong isinilang na ang kanyang anak.
"Noong lumabas siya, parang nagising ka ulit. My new reality. So I'm looking forward to be a dad," pagbabahagi ng aktor.
Inanunsiyo nina Polo at Paulyn Quiza ang paparating nilang baby noong Abril kung saan nag-post si Polo ng ultrasound ng kanilang anak.
Pasko ng 2018 nang ma-engage sina Polo at Paulyn.
Samantala, kabilang si Polo sa bagong romantic mini-series na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette bilang si Tristan Enriquez, ang aroganteng ex-husband ni Bridgette de Leon na ginagampanan ni Beauty Gonzalez.
Kilalanin sa gallery na ito ang partner ni Polo Ravales na si Paulyn Quiza: