GMA Logo Paulyn Quiza, Polo Ravales
What's on TV

Polo Ravales, excited nang makita ang kaniyang baby boy

By Aimee Anoc
Published July 9, 2021 9:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Paulyn Quiza, Polo Ravales


Congratulations, Polo Ravales!

Ibinahagi ni dating 'Magkaagaw' star Polo Ravales sa 'Mars Pa More' na malapit nang manganak ang kanyang non-showbiz fiancée na si Paulyn Quiza sa kanilang baby boy.

"Malapit nang manganak 'yung fiancée ko, due niya is in September, two months to go na lang," kuwento ni Polo kina 'Mars' hosts Iya Villania at Camille Prats.

Polo Ravales

Unang inanunsiyo nina Polo at Paulyn ang paparating nilang baby noong Abril sa Instagram kung saan nag-post si Polo ng ultrasound ng kanilang anak.

Pagbabahagi ng aktor, "Thank you Lord for this Miracle and Blessing. We are excited to meet you Baby P."

Polo Ravales

Dagdag pa ni Polo, inakala ng pamilya nila na baby girl ang magiging anak nila ni Paulyn dahil blooming itong magbuntis.

"Nagkaroon nga kami ng gender reveal last time. Maraming nagulat na baby boy 'yung magiging baby ko kasi maraming nagsasabi na si Paulyn maganda raw magbuntis so akala nila babae," paliwanag ni Polo.

Polo Ravales

Samantala, Pasko ng 2018 nang ma-engaged sina Polo at Paulyn na ibinahagi rin ng aktor sa Instagram at pabirong sinabi, "Akala ko forever akong binata."