Celebrity Life

Bettinna Carlos, itinuturing 'answered prayer' na nakaranas ng 34 oras na brownout si Gummy

By Aimee Anoc

Proud na ibinahagi ni Bettinna Carlos ang karanasan ng kanyang pamilya sa nagdaang bagyong 'Maring.'

Sa Instagram, sinabi ni Bettinna na "answered prayer" na maituturing ang naranasan nilang 34 oras na brownout sa San Juan, La Union kung saan natutunan ng kanyang anak na si Amanda Lucia "Gummy" Carlos na hindi madali ang buhay.

Makikita rin ang larawan ni Gummy na flashlight lang ang ginagamit habang nag-aaral.

"After [two] nights may kuryente na kami. 34 hours is the longest we have gone without electricity and water in our faucet," sulat ni Bettinna.

Ibinahagi rin ni Bettinna na naranasan nilang mano-manong mag-igib ng tubig sa poso para may magamit sa pagluluto at paghuhugas ng mga plato.

"This was an answered prayer actually na maranasan ni Gummy ang brownout parang nu'ng bata kami ni Mikki. Walang generator. Ang difference lang ay dati flash light ngayon [rechargeable] shoot lights ni daddy. May gripo kami nu'ng bata at ngayon ay poso lang. Talagang mano-mano.

"Nag-iigib kahit umuulan. Nagpupuno ng drum para may reserba. Nagsasalok ng tubig sa balde at tabo para maghugas ng pinggan. [Three times] a day so kamusta naman ang mga balakang," pagbabahagi niya.

Malaki ang pasasalamat ni Bettinna sa Panginoon na naranasan itong lahat ng kanyang anak para matuto sa buhay.

"We thank the Lord na naranasan 'to ng anak namin. I know dasal ng mga magulang na dumaan sa challenges ang mga anak nila --big and small opportunities to train them for life. Para tumibay sila at matuto. Na hindi lahat madali at laging convenient. Na ang mga bagay ay may hangganan at nauubos.

"Na dapat maging wise sa paggamit ng resources at hindi porque masagana ay parang unli itrato. Na hindi ka entitled to live comfortably. Na makita at mabilang ang mga biyaya sa lahat ng sitwasyon - we were dry, safe, our food in the ref didn't spoil, we had stuff to cook, had food on the table, ate comfortably, still had mobile data for internet for schooling and a car to charge our gadgets... and also friends who offered us to fully charge all our lights and laptop (sa kabilang city pa sila -thank you Banals!)," paliwanag ni Bettinna.

"It was a pleasant sight for me to see my child go through this brownout experience and watch my husband respond with joy and grace," pasasalamat ni Bettinna sa kanilang mga karanasan.

Mahigit anim na buwan na ngayong naninirahan sa La Union si Bettinna kasama ang kanyang anak at asawa.

Ikinasal sina Bettinna at Mikki Eduardo noong December 2020 sa Tagaytay.

Samantala, balikan ang ilan sa kilig photos nina Bettinna Carlos at Mikki Eduardo sa gallery na ito: