
Masayang ibinahagi ni LJ Reyes ang sandaling kasama ang mga anak na sina Summer Ayana at Ethan Akio habang nasa isang Chinese restaurant.
Kasalukuyang nasa New York City si LJ kasama ang dalawang anak, matapos aminin ang paghihiwalay nila ng kanyang longtime partner na si Paolo Contis.
Sa Instaram, cute na cute na nagpakuha ng larawan sina Aki at Summer kasama ang ina.
"Didn't want this [dimsum] kind of day to end," sulat ni LJ, na may kasamang heart emoji.
Maraming netizens ang natuwa sa mga larawan na ito nina LJ, Summer at Aki. Maging si Primetime Queen Marian Rivera ay hindi nakapagpigil na mag-comment ng "heart emoji."
"Happy to see Akie and Summer!" sabi ni @indaganda.
"Ang laki na ng mga kids mo... ang ganda pa at gwapo, You're so blessed. Keep praying. God is always beside you. Love you, LJ," pagbabahagi ni @kuoshikut_kwai.
"Finally, na-miss namin si Aki rin. Hehehe! Laki na nila, vlog po Ms. LJ," sulat ni @aizaflorenosos.
"One happy bonding moment between Mom and kiddos!" dagdag ni @iamemmydelrosario.
"A strong and inspiring woman you are [LJ Reyes]. God bless you and your family always," sabi ni @redapple_may.
Ayon kay LJ, ang rason kung bakit patuloy siyang may ngiti araw-araw ay dahil sa kanyang dalawang anak.
Samantala, tignan sa gallery na ito ang masasayang sandali ni LJ Reyes kasama ang dalawang anak na sina Ethan Akio at Summer Ayana: