Celebrity Life

Dingdong Dantes, lilimitahan na ang pagpo-post tungkol kina Zia at Sixto

By Maine Aquino

Inamin ni Dingdong Dantes na magkakaroon ng limitasyon ang posts niya tungkol sa kanyang mga anak na sina Zia at Sixto Dantes.

Ibinahagi ito ni Dingdong nang mag-guest siya sa podcast nina Slater Young at Kryz Uy na Skypodcast.

Kuwento ni Dingdong, pinag-usapan nila ito ng kaniyang asawa na si Marian Rivera.

"Sabi namin, now that they sort of have this public exposure through our social media platforms, we also have to limit it. Halimbawa, mga spur of the moment, 'di lang parati, pero nandyan na, e. Hindi mo na matatago 'yan."

Inamin ng Kapuso Primetime King na kapag pumasok na si Zia sa school, maaaring mahinto na sila sa pag-post tungkol sa kanilang panganay.

Photo source: dongdantes

"Pagdating ng six years old, stop na. Hindi pa rin malayong mangyari 'yun. It's a matter of when na lang 'yun, a matter of time. Kasi nga papasok na talaga sila sa school." saad ng aktor.

Dugtong ni Dingdong, "My daughter she's five, turning six, so dapat mag-stop na siya ngayon in terms of exposure and activities online. Pero nag-pandemic. Wala pa rin namang school, so I hope pretty soon bumalik na sila kasi nasa big school siya."

Kuwento pa ng Amazing Earth host, nasa big school na dapat ngayon ang kaniyang anak na si Zia.

"Nag-transition siya from being in preschool sabay eksaktong nag-pandemic, 'yun 'yung transition niya into big school. Ang weird, so medyo alanganin 'yung estado niya."

Photo source: dongdantes

Ipinaliwanag ni Dingdong na isa rin sa pinag-usapan nila ni Marian ay hindi magkakaroon ng social media accounts ang mga anak.

"Ang pinaka-compromise lang namin ay. 'Sige let's just make a point not to launch their own social media platforms.' Dapat wala silang sarili nila because it should be their choice later on whether or not gusto nila magkaroon or hindi."

"And then, siguro saka na kami mag-uusap kapag mas stable na lahat ng bagay."

Sa ngayon, makikita pa rin daw ang mga anak niyang sina Zia at Sixto sa mga accounts nilang mag-asawa.

"Whatever you see now are all from our own pages or our own platforms. At least doon klaro tayo. Kung hanggang saan, siyempre may limitasyon pa rin."

Panoorin ang interview nina Slater at Kryz kay Dingdong dito:

Samantala, tingnan ang cute na photos ni Zia sa gallery na ito: