Celebrity Life

Assunta De Rossi's 'miracle baby' turns one

By Jansen Ramos

"Aaaaaaah! Isang taon na ang himalaaaaa!

'Yan ang masayang bungad ni Alessandra De Rossi sa kanyang Instagram post noong Sabado, October 23, tungkol sa kanyang pamangkin na si Giulia Fiorentina Alessandra o Fiore, anak ng nakatatandang kapatid niyang si Assunta De Rossi, na nagdiwang ng kanyang first birthday.

Para sa magkapatid, miracle baby si Fiore dahil halos 20 taon ang hinintay ni Assunta para magkaroon ng anak. May myoma and endometriosis kasi ang aktres kaya nahirapan siyang magbuntis.

Kaya naman abot-abot ang pasasalamat ni Assunta nang mabiyayaan ng napakagandang anak matapos ikasal sa businessman at politician na si Jules Ledesma 18 taon na ang nakakaraan.

"Everyday, we thank the Lord for you. Happy birthday, little miracle," birthday greeting ni Assunta sa anak.

Tingnan ang motherhood journey ni Assunta sa gallery na ito: