Celebrity Life

Ilang TikTok videos ng pamilya ni Sherilyn Reyes-Tan, humakot ng million views

By EJ Chua

Mapapa #FamilyGoals na lang kayo kapag napanood ninyo ang dance videos ng pamilya ni Sherilyn Reyes-Tan.

Bukod sa pagiging isang mahusay na Kapuso actress, nangunguna rin si Sherilyn sa paggawa ng content sa TikTok kasama ang kanyang buong pamilya.

Mapapanood sa TikTok account ni Sherilyn ang kanyang asawa na si Chris at ang kanilang tatlong anak na sina Ryle, Lorenz, at Eia.

Nang magsimula ang COVID-19 pandemic, ang pag-upload ng makukulit na dance videos ang isa sa itinuturing na bonding ng pamilya ng aktres.

Dahil sa madalas na paggawa ng content, ilan sa videos ng Tan family ay humahakot na ng milyun-milyong views sa TikTok.

Isa na rito ay ang kanilang TikTok Chicken Dance video.

Sa kasalukuyan, humakot na ito ng 7.6 million views.

Ayon sa caption ni Sherilyn, “Ilang araw naming prinaktis to [laugh emojis] Hi guys, sana kahit may mga problema, happy pa din kayo!”

@sherilynrtan

Ilang araw namin prinaktis to 😂😂😂 Hi guys, sana kahit me mga problema, happy pa rin kayo! 💙 @tiktokstickersph #stickermaster2021

♬ nhạc nền - Miu - Mai_crystal

Isa rin sa humakot ng mataas na number of views ay ang kanilang Anaconda challenge na nasa 1.1 million views na ngayon.

@sherilynrtan

#anacondachallenge #fyp #foryoupage #foryou

♬ Anaconda Challenge - James Quines

Bukod dito, umani rin ng positive comments ang TikTok videos ng Tan family.

Narito ang ilang comments ng kanilang fans at followers:

Samantala, kilalanin ang ilan pang celebrities na nakasabay ni Sherilyn Reyes-Tan nang mag-renew siya ng contract sa GMA Artist Center sa gallery na ito: