Celebrity Life

Jewel Mische, binigyang-linaw ang lokasyon ng kanilang bahay sa US

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Jewel Mische ang location ng kanilang bahay ni Alex Kurzer para sa mga curious na netizens.

Si Jewel, Alex, at kanilang mga anak na sina Aislah Rose, Emerald Jade, at bagong baby na si Yzbel Quinn ay nakatira sa US.

Photo source: @mischejewel

Ayon kay Jewel, "Dami kasi nagtatanong kung may kapit-bahay kami. Yes, we actually have neighbors."

Sa photos ni Jewel ay makikita ang magandang bahay nila na tinatawag niya na Rosewood Castle. Sa mga posts ni Jewel ay tila mula sa isang mala-fairy tale na lugar ang tinitirahan ng kanilang pamilya kaya naman marami ang nagtanong kung may mga nakatira na malapit sa kanila.

Saad ni Jewel, "Seemingly out of reach of the rest of civilization ONLY because the #KurzerHome is surrounded by lush green woodland!"

Ayon kay Jewel, may mga kapit-bahay sila sa kanilang lugar. Ipinakita ito ng dating aktres sa isang post.

Paliwang ni Jewel, "The pictures above are the houses to the North and to the South next to ours. #maymgakapitbahaykami. To put in perspective, naka point ung blue arrow kung nasaan ung bahay namin (river ung naka circle ng red) (swipe left ??) -Tapos sa third picture you see the car in our driveway and kita niyo diyan na 'yung bahay ng kapit-bahay namin tanaw mula sa bakuran namin. 'Yung kabilang bahay mas malapit pa actually."

Isa pa sa ipinaliwanag ni Jewel ay five minutes away lang ang hospital kung saan ipinanganak ang bunsong anak.

"You guys, the hospital where I gave birth to Yzbel is only 5 minutes away!"

Si Jewel ay ipinanganak si Yzbel ngayong November 2021.

Tingnan ang first photos nina Jewel at Alex kasama si Baby Yzbel sa gallery na ito: