GMA Logo Lovely Abella
Photo by: lovelyabella_ (IG)
Celebrity Life

Lovely Abella, natupad ang pangarap na magkaroon ng maraming Christmas lights ang bahay

By Aimee Anoc
Published December 5, 2021 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH Embassy in Thailand advice Filipinos to be cautious, vigilant
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Lovely Abella


"Pangarap lang namin 'to noon, ang magkaroon ng ganito kagandang Christmas lights. Hangang-hanga kami sa ganda ng mga ilaw." - Lovely Abella

Natupad ang isa sa pinapangarap ni Lovely Abella na makita sa kanyang bahay ngayong Disyembre.

Sa Instagram, masayang ipinakita ni Lovely ang magandang bahay na puno ng Christmas lights.

A post shared by Lovely Abella - Manalo (@lovelyabella_)

"'Di ko mapigilan ang saya ng puso ko. Pangarap lang namin 'to noon, ang magkaroon ng ganito kagandang Christmas lights. Hangang-hanga kami sa ganda ng mga ilaw," pagbabahagi ni Lovely.

Ibinahagi rin ng Bubble Gang star ang sayang nararamdaman sa asawang si Benj Manalo. "Ang saya ko babe sobra [Benj Manalo]. Salamat @coladilla_ken sa pagbibigay buhay sa bago naming bahay. Sa buong team salamat sa puyat, pagod, at pagpapaganda kahit tirik ang araw," dagdag niya.

Bagong mag-asawa pa lamang sina Lovely at Benj na ikinasal noong January 23 sa Quezon City. Sa pamamagitan ng pagtitiyaga sa pag-o-online selling na sinimulan ng mag-asawa noong 2020, nakapag-ipon sila para sa kanilang dream house na pinabasbasan nila noong Oktubre.

Samantala, tingnan ang garden-themed wedding nina Lovely Abella at Benj Manalo sa gallery na ito: