Celebrity Life

Sheena Halili's daughter Martina turns one

By Aimee Anoc

Ipinagdiriwang ngayon nina Sheena Halili at Jeron Manzanero ang first birthday ng kanilang unica hija na si Martina.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sheena ang ginawang paghahanda para sa kaarawan ng anak kung saan naka-princess costume ito.

"Happy Birthday, Martina," sulat ni Sheena.

Sa naunang post, ibinahagi ni Sheena ang simpleng white dress ni Martina para sa birthday pictorial nito. Makikita ring enjoy na enjoy sa pagkain ng cake ang little princess.

"A first birthday is the perfect excuse to try some cake," pagbabahagi ni Sheena.

Nagpaabot din ng pagbati para sa kaarawan ni Martina ang ilang celebrities tulad nina Jennylyn Mercado, Jackie Lou Blanco, Maricris Garcia Cruz at Ryza Cenon.

Bago pa man ang first birthday celebration ni Martina, buwan-buwan nang dinadamitan ni Sheena ang anak ng Disney princess costumes. Tingnan sa gallery na ito ang 12 Disney princess costumes ni Martina: