GMA Logo Rodjun Cruz and family
Source: dianne_medina
Celebrity Life

Rodjun Cruz reunites with his family after 40 days of lock-in taping

By Jimboy Napoles
Published December 20, 2021 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun Cruz and family


Pagkatapos ng lock-in taping para sa 'Little Princess,' nakauwi na sa wakas sa kaniyang pamilya ang aktor na si Rodjun Cruz.

Mahigpit na yakap ang sumalubong kay Rodjun Cruz mula sa kaniyang asawa na si Dianne Medina pag-uwi niya sa kaniyang pamilya matapos ang 40 days na lock-in taping ng upcoming Kapuso serye na Little Princess.

Sa video na ipinost ni Dianne sa Instagram, makikita na excited na bumaba ng hagdan ang aktres upang salubungin ang kaniyang mister na si Rodjun.

"After 40 days of not seeing each other, yehey, finally my husband @rodjuncruz is HOME from his lock in taping," caption ni Dianne sa kaniyang post.

Sa higpit ng kanilang yakap, halata ang saya ng mag-asawa sa kanilang muling pagkikita.

Dagdag pa ng aktres "Love you so much! So happy! My heart is Full! Thank you, Lord for everything."

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina)

Sa dulo ng video, makikita naman si Baby Joaquin na mahimbing ang tulog kasama ang kaniyang Daddy Rodjun.

Nag-iwan naman ng kumento sa post ni Dianne ang kanilang mga kaibigan sa showbiz na talagang kinilig at natuwa rin sa reunion ng mag-asawa. Kabilang na dito si Artikulo 247 star Mark Herras at co-stars ni Rodjun sa Little Princess at mismong lead stars nito na sina Jo Berry, at Juancho Triviño.


Samantala, silipin naman ang mga larawan ng masayang pamilya nina Rodjun Cruz, Dianne Medina, at Baby Joaquin sa gallery na ito: